Tahimik ang kabuuan ng VIP room ng bar kahit na sa ilalim ay nagkakasiyahan pa rin ang mga taong nagpapakalunod sa alak at sa masigabong na tunog ng masiglang tugtugin. Sa silid ay ang mabining ugong lang ng air conditioning unit ang maririnig, pero mayamaya lang ay maririnig na ang mga kaluskos na likha ng katawang paiba-iba ng puwesto sa ibabaw ng kama. Walang untag ang paglundo ng kutson dahil sa walang tigil na paggalaw ni Apollo—tatagilid, titihaya, para lang muling tumagilid. Hindi ito mapirmi sa isang posisyon at panay ang kilos, na may kasamang mababang ungol. Kahit nakapikit ang mga mata ay nagsasalubong na ang mga kilay ni Ahtisa. Nakahiga siya patagilid sa pinakakanang bahagi ng higaan. Napapabuntong-hininga siya sa bawat paglundo ng kutson. Ano ba ang problema ni Apollo, h

