“Hello? Apollo? Umayos ka! Sumagot ka riyan? Apollo!” Kumuyom ang kamay ni Ahtisa sa hawak na cellphone, dumiriin ang mga daliri niya sa casing ng aparato. Inilayo niya iyon sa tainga at minasdan ang screen. Naputol na ang tawag. “Baliw na Apollo iyon! Baliw talaga!” Nagngingitngit si Ahtisa, nagsimula siyang maglakad paroo’t parito sa loob ng sala. Isinalampak niya ang sarili paupo sa sofa, at pinagkrus ang mga kamay sa tapat ng dibdib. “Malaki naman na iyon, bahala na iyon sa sarili niya!” inis niyang wika. Pero hindi siya mapakali. Alumpihit siya sa kinauupuan. Wala pang isang minuto ay tumindig na uli siya, nakukunsumi. Inis niya hinagod ng kamay ang buhok. Paano kasi kung siya lang ang tinawagan ni Apollo? Alam niyang kung totoong nawalan ito ng malay ay may magdadala naman dito sa

