“Apollo, umuwi ka na. Okay naman na ako rito sa bahay ko,” sabi ni Ahtisa kay Apollo. Nakaupo siya sa gilid ng kama at nakatingin sa binatang paroo’t parito sa harapan niya. Kanina pa nito iniikot ang buong bahay at panay ang silip sa mga bintana. Tatlong beses na rin nitong tiniyak na naka-lock ang mga pinto. Si Trinidad ay nasa istasyon pa rin ng pulisya. Ito na raw ang bahala sa lahat, sabi sa kanya ni Apollo. Tinawagan na raw nito ang babae at nakausap na nito sa telepono. He gave instructions and said that Trinidad would know what to do. Pagkatapos nang nangyari kanina ay gusto siyang dalhin sa ospital ni Apollo, pero tumanggi siya. Dahil kapag dinala siya nito sa ospital ay makikita ng lahat na magkasama sila. Kung ang binata ang kasama niya, pihadong mapupunta sa kanila ang atens

