"Baka hindi matuloy ang kasal natin," nag-aalalang sabi ni Ahtisa. Tumingin si Apollo sa mukha ng kasintahan. "Sabi-sabi lang ang ideyang malas kapag sinukat ng babaeng ikakasal ang traje de boda nito at ipinakita iyon sa groom." Hindi ito naniniwala. "Moderno na ang panahon ngayon, at sino pa ba ang naniniwala sa mga pamahiin?" patuloy na sabi ng binata. Napabuntong-hininga na lang siya. Kung iyon ang gusto ni Apollo, wala naman siyang magagawa para baliin iyon. "The wedding isn't getting canceled, no matter how many times I see you in your bridal gown," pinal nitong wika. "Pero..." "Let's talk about this tomorrow; tonight, let me have you." Pagkasabi niyon ay mapusok nitong inangkin ang mga labi ng nobya. For him, her mouth always tasted sweet, and he could never get enough of i

