"Did she arrive home safely?" tuwid ang boses na tanong ni Apollo kay Ramona na nasa kabilang linya ng telepono. Siya ay nasa opisina pa rin, nakatayo sa tabi ng salaming pader at nakatanaw sa mga ulap sa kalangitan. May kumatok sa pinto. Napalingon siya roon, kumunot-noo. "Come in," aniya. Sumungaw ang ulo ng sekretarya ng Manufacturing Executive, bakas ang matinding tuwa at pagkasabik sa ekspresyon ng mukha nito. Sabik itong makaharap at makausap siya nang silang dalawa lang. "I'll call you again," sabi niya kay Ramona at isinuksok sa bulsa ng itim na slacks ang aparato. Humarap siya sa bagong dating. Napahugot siya ng malalim na paghinga. Inulit niya ang sinabi niya kanina, "Come in. Ano ang kailangan mo?" Nang tuluyan nitong itulak pabukas ang pinto at humakbang ito sa loob ng sil

