CHAPTER 114 - SPG

2241 Words

In-eksamin ni Dr. Domingo ang kabuuang estado ng kalusugan at pagbubuntis ni Ahtisa, at sabi nito ay malusog at malakas ang kapit ng bata sa tiyan niya. Wala naman daw siyang tinamong seryosong pinsala sa pagkakatumba at pagkakabagsak niya sa sahig. Kung siya ang tatanungin ay kanina pa niya ramdam na okay sila ng baby at wala namang masakit sa kanya. Pero para lang mapanatag ang loob ni Apollo ay pumayag na rin siyang magpa-eksamin sa OB-GYN. Kanina, habang wala pa ang doktor, ay hindi mapirmi sa kinauupuan nito ang binata. Panay ang tayo nito at paroo’t parito sa loob ng opisina. Ang matinding pag-aalala ay nagkukumislap sa mga mata ng lalaki. Siya ang napapagod sa ginagawa nitong walang humpay na paglalakad nang pabalik-balik. Parang hindi nauubusan ng lakas ang mga paa nito. Ngayon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD