Pumiksi si Ahtisa nang humawak sa magkabilang braso niya ang kamay ng dalawang guwardiya. Pero nagulat siya nang hindi naman naging marahas ang paraan ng paghawak sa kanya ng mga ito. Tinulungan lang siyang tumayo. Iritadong naglapat ang mga ngipin ni Victoria. “Bingi ba kayong dalawa?” pasigaw nitong tanong sa mga guwardiya. “I said throw her out!” “Miss, wala naman hong dahilan para sundin namin kayo,” anang isa. Nanggalaiti si Victoria. “That’s it! Huwag kang luluhod sa harapan ko para magmakaawa kapag sinampal na sa iyo ang termination notice!” Natahimik ang nagsalitang guwardiya. Halatang nag-aalala rin naman ito, pero nanindigan ang dalawa na huwag siyang palabasin, dahil wala naman siyang nilabag na regulasyon at hindi naman siya nanggulo. “Okay ka lang, Miss?” tanong sa kan

