"Kuya! Sino iyong babaeng dinala mo sa kuwarto mo kagabi?" biglang tanong ni Athena sa kanya. Nasa hapag sila at nag-aalmusal. Kumpleto ang buong pamilya. Nasa kabisera ng mesa ang Padre di famiglia na si Luther Altieri. Nasa kanan nito ang esposang si Ruthie. Siya naman ay nakaupo sa kaliwa ng ama. Sa tabi niya ay si Ares, kaharap nito si Artemis, at katabi naman ni Artie si Athena. Napaangat at dumako sa bunsong kapatid ang seryoso niyang tingin. Sa likod ng suot niyang salamin ay matalas ang kislap ng kanyang mga mata. Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay niya. Nagpatuloy si Athena. "Nasa kuwarto mo pa ba siya ngayon? O baka naman pinatakas mo na bago pa magising sina Mommy at Daddy?" Ibinaba ni Luther ang hawak nitong mga kubyertos at nakaalsa ang mga kilay na tinitigan nito s

