Namanhid na sa paulit-ulit na pag-dial si Apollo sa phone number ni Ahtisa, pero hindi pa rin nito sinasagot ang mga tawag niya. Nakapatay ang cellphone nito, at hindi rin nito tinutugon ang mga messages niya. Nag-open siya ng social media account na madalang niya lang gawin, pero napapadalas ang pagbukas niya ngayon para tignan ang profile ni Ahtisa at mag-send ng messages rito. Nagsalubong ang mga kilay niya nang hindi na niya mahanap ang pangalan ni Ahtisa sa friend list niya. What? Did she delete me from her friend list? Mabilis ang mga daliri niyang tumungo sa messages icon. Pinuntahan niya ang palitan nila ng mga mensahe ni Ahtisa. Ang mga mensaheng pinadala niya rito ay na-seen na ng dalaga, pero hindi ito nag-reply, tapos ay nabura na rin ang profile picture nito at napalitan n

