“Sana ako na lang ang sinabihan mong mag-hack ng CCTV footage at personal files ng ospital. Hindi iyong ikaw ang gumawa kahit alam mong hindi istable iyang utak mo ngayon,” sabi ni Ares, may mapaglarong kislap ang nagsasayaw sa mga mata nito. Lalong nagdilim ang mukha ni Apollo at nagtagis ang mga bagang niya. “What the hell are you doing here in my room? Get out!” Hindi talaga nito pinalampas ang pagkakataong masabihan siyang hindi istable ang utak ngayon. May nang-iinis pang ngiti ang naglulumikot sa gilid ng mga labi nito, habang nakatunghay sa kanya. "Nandito ako, dahil nandito ka. Bawal ba?" Napaungol siya. “Can you please shut up?” asik niya sa kapatid. “Gusto ko rin sanang mapag-isa, kaya kung maaari lang, at wala ka namang magandang sasabihin, ay lumabas ka na lang.” Imbes na l

