“Personal Assistant?” kunot-noong tanong ni Ares kay Apollo, diskumpiyado. Pumihit ito paharap sa kanya. Kahit hindi naman ito humakbang palapit sa kinatatayuan niya ay kusa pa ring napaatras ang mga paa ni Ahtisa. Para siyang may ginawang kasalanan na kinatatakutan niyang mabunyag, kahit kung iisiping mabuti ay walang dahilan para mabahala siya. “You’re his newly appointed Personal Assistant? Really?” tanong nito sa kanya. Hindi niya maibuka ang nakatikom na mga labi, dahil sa totoo lang ay pabalik-balik pa rin sa utak niya ang sinabi ni Apollo: ‘Ahtisa is here because she’s my newly appointed Personal Assistant. And I am just trying to explain to her the scope of her work as my PA. That’s all. Wala kaming espesyal na ugnayang dalawa.’ Parang tinutusok ng libu-libong karayom ang puso niy

