CHAPTER 57-2

706 Words

“Wala sa lugar ang pagiging mapang-angkin mo, Mr. Altieri,” asik dito ni Eros. “Hindi gamit si Ahtisa na puwede mong angkining sa iyo. Tao siya.” Umigkas ang isang gilid ng mga labi ni Apollo. “She’s a person, I know. I am aware. She’s a woman. She is my woman.” Umingos ang doktor. Hindi na nito naitago ang pagkasuya sa CEO. “You really think you can stake a claim on her like that?” tanong nito, nakataas ang malalagong kilay. Nagtagisan ng tingin ang dalawang lalaki. Ang tensiyon na kanina pa nakapalibot sa kanila ay tila lalong nanuot sa kanilang mga kalamnan. “Ang hindi na sa ’yo ay huwag mong piliting maging sa ’yo pa rin,” pasikmat na wika ni Eros. Nagbuga ng hangin si Apollo, at bahagya pang napaigtad si Ahtisa nang lumingap sa kanya ang binata. Hinuli nito ang kamay niya. “Com

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD