“Bakit ayaw mo?” tanong nito sa kanya. “Basta, ayaw ko lang. Kung gusto mong mag-usap tayo, dito na lang sa labas. Dito sa pasilyo. Puwede naman dito.” Sa loob ng kung ilang sandali, ang maririnig lang ay ang paghugot-buga nila ng hangin. Parehong malalim ang paghinga nila. Pareho silang nababalot ng tensiyon. Apollo had never been this tense before. Ngayon niya lang ito nakitang sobrang tensiyonado. At dahil ba iyon sa kanya? Kung totoong dahil sa kanya, ay hindi niya akalaing kaya niyang apektuhan nang ganito kalakas ang binata. Binawi niya ang kamay nang mapansing hawak pa rin siya nito. Napapitlag ito at napatingin sa kamay nang unti-unting dumulas palayo ang kamay niya mula sa palad nito. He sighed. “Okay, let’s talk here.” Hindi siya umimik, at hinintay na muling magsalita ang la

