CHAPTER 58-2

715 Words

Nahigit niya ang paghinga at mabilis na lumayo sa tapat ng silid na iyon. Pakiwari niya kasi ay may malakas na kamay ang bigla na lamang hahatak sa kanyo papasok ulit sa loob ng private suite. Lakad-takbo ang ginawa niya habang binabagtas ang kahabaan ng pasilyo, habang panay ang lingon niya upang matiyak na walang Apollo ang nakasunod sa kanya. Sa isang paglingon niya ay bigla siyang bumangga sa malambot na katawan. Nawalan siya ng balanse at natumba, napaupo sa sahig. Malapit lang sa kanya ay may babaeng nakalupagi rin sa sahig. “P-pasensiya ka na! Hindi ko sinasadya. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaan ko at—” Naudlot ang nais niyang sabihin nang makilala ang babaeng nakatingin pabalik sa kanya. “Elara?” Sa malapitan ay talagang masasabi niyang malaki ang pagkakahawig nilang dalawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD