Iyon ngang nag-viral na balita tungkol dito at kay Elara ay nabura agad. At ang lahat ng site na nag-upload ng post na iyon ay nawalang lahat. Ang nagsulat ng mga balitang iyon ay nawalan ng trabaho. “Pasensiya ka na, Doc. Hindi na ako nakapagpaalam sa iyo nang maayos, pero nasa taxi na ako ngayon. Pauwi na.” “Nang mag-isa? Umuwi ka nang mag-isa? Ang lakas pa naman ng buhos ng ulan. Sana tinawagan mo na lang ako, at ako na lang ang naghatid sa iyo pauwi. Responsibilidad kita, lalo na at ako ang nag-imbita sa iyo.” Malumanay lang ang boses ng doktor pero malinaw na nag-aalala ito sa kanya. “Okay lang, Doc. Wala namang naging problema. Mga sampung minuto na lang siguro, nasa bahay na ako,” aniya. “Gusto mo bang puntahan kita riyan? Baka bigla ka na namang guluhin ni Apollo? Or if you w

