CHAPTER 61-3

737 Words

_____ NANG nasa loob na ng hotel room si Apollo ay balewala siyang naghubad at dumerecho ng banyo. Ang sunod na maririnig ay ang lagaslas ng tubig mula sa nakabukas na shower. Si Ares naman ay ibinagsak ang sarili pahiga sa kama. Itinaas ang dalawang kamay sa uluhan at ginawa iyong unan kahit may totoong unan naman do’n. Wala pang sampung minuto ay tapos nang maligo si Apollo. Nakabalot na ng puting tuwalya ang ibabang katawan niya nang lumabas siya ng banyo. Tinawagan niya si Ramona habang pabalik palang siya ng hotel kanina, in-utos niya ritong dalhan siya ng malinis na damit. Mayamaya nga ay kumakatok na ito sa pinto. Binuksan niya iyon. “Sir, ito na po ang in-utos mo sa akin.” Dala nito ang formal suit na naka-hanger pa at nasa loob ng clear plastic garment bag, para hindi malu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD