“Para namang hindi mo ako hahayaang mabulok sa psychiatric care center,” anito, ngumiti nang mapakla. “I didn’t intend to. But the date r*pe drug was too much. You deserve to be locked in there for as long as I want.” Bumakas ang paghihimagsik sa anyo ng mukha nito, pero wala naman itong magawa. Apollo Altieri was too powerful for her to go up against. Ang lumabas kaninang Executive Assistant ay marahas na pumasok sa loob ng opisina. Humahangos ito at hindi na nag-abalang kumatok pa sa pinto. Napatindig si Apollo, kinabahan siya. “Ano’ng nangyari?” tanong niya rito. Ang sunod na lumabas sa mga labi ni Ramona ay tila bombang inilaglag sa harapan nila at sumabog nang malakas. “Sir, nasusunog ho ngayon ang bahay ni Ms. Sinagtala!” imporma nito sa kanya. “What!” Kulang ang sabihing nanla

