CHAPTER 63-3

718 Words

Napakalakas ng apoy. Ramdam niya sa kanyang mga buto at kalamnan ang nakakasakal na init na tila kumukuyom sa puso niya. Sa lakas ng pagsiklab ng apoy ay imposibleng may makaligtas na tao sa loob ng bahay. Ibig sabihin ay nasa isang porsiyento lang ang posibilidad na buhay pa si Ahtisa. Pero may isang porsiyento pa, at kakapit siya sa isang porsiyentong iyon. Dahil hindi puwedeng mamatay si Ahtisa. “Ahtisa!” Gusto na niyang suungin ang apoy. Pero pinigilan siya ng mga bumbero. Alertong humawak ang mga ito sa kanya at hinihila siya pabalik, paatras. Ngunit masyado siyang malakas. Kahit na wala na siyang makita dahil sa mga mata niyang pinalabo na ng luha ay pilit pa rin siyang nanulak. Kung sino na lang ang tamaan ng mga kamay niya. “Ahtisa!” sigaw ulit niya. Desperado na siyang gawin a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD