Tumayo siya at lumapit sa gilid ng salaming pader ng kuwarto. Hinawi niya nang bahagya ang makapal na kurtina, sapat lang para magkaroon ng maliit na awang. Mula roon ay tumanaw siya sa ibaba. And there she was. Ahtisa. Minasdan niya ang dalaga na lakad-takbo ang ginawang paglapit sa gate. Palingap-lingap ito sa paligid, at nang minsang dumako ang tingin nito sa direksyon niya ay maagap siyang nagkubli sa likod ng kurtina. Pinalipas muna niya ang ilang segundo bago siya muling sumilip sa awang ng kurtina. Nakatayo na sa labas ng gate ang dalaga. May hinihintay ito. Halos manghaba ang leeg nito sa kakatanaw sa taong hinihintay nitong dumating. Mayamaya ay may huminto nang traysikel sa harapan nito. Kilala niya ang matandang driver no’n—si Mang Savio. Kampante ang kalooban niya na hindi

