Sa pagbubungkal niya sa kanyang mga gamit ay nakita niya ang lumang slam book. At ang unang entry doon ay ang sa kaibigan niya. Nakasulat doon ang cellphone number nito. Siyempre hindi na niya in-expect na active pa ang number na iyon dahil matagal na panahon na nga ang lumipas. Siya nga nakailang palit na ng number, ito pa kaya. Sino na lang ba sa panahon ngayon ang hindi naranasang mag-change SIM card? Pero sinubukan niya pa rin itong tawagan, at nagulat siya nang ito nga ang sumagot. Hindi talaga siya makapaniwala. Nag-usap sila, at naikuwento niya ritong plano niyang lumipat na rin ng Iloilo. Natuwa ito, at sinabi sa kanyang tutulungan siya nitong makahanap ng matutuluyan. “Ahtisa!” Napapitlag si Ahtisa nang marinig ang boses na iyon. Hinanap niya ang taong nagmamay-ari ng tinig n

