CHAPTER 68-3

708 Words

Masakit na nga ang ulo niya, dumagdag pa talaga si Trinidad. Napisil niya ang kumikirot na sentido, at nagpakawala ng nayayamot na ungol. “Porke sinabi kong Altieri, si Sir Luther agad? Hindi ba puwedeng isa sa mga anak niya ang nakabuntis sa akin?” Natigilan si Trinidad, tapos ay bumunghalit ito ng tawa. “Ay, oo nga pala! Sino sa mga anak ni Mr. Altieri ang tatay niyang anak mo?” “Si… Apollo.” “Hindi ako gaanong pamilyar sa kanya. Siya yata iyong palaging nasa ibang bayan o di kaya’y nasa ibang bansa?” “Oo, tama ka. Siya nga iyon.” Tumingin ulit ang kaibigan sa manipis niyang tiyan. “Alam ba niya iyan?” “Na buntis ako?” Umiling siya. “Hindi. Hindi ko nga alam, eh, siya pa kaya.” Kung alam ni Apollo na buntis siya, siguradong nakaladkad na siya nito pabalik ng Santa Catalina. Sa toto

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD