Then, without warning, his voice broke the silence, low and unwavering. “Effective immediately, the Manager of Payroll and Accounting is terminated,” walang gatol niyang anunsiyo. Sabay-sabay na napasinghap ang lahat, at parang iisang tao na sabay ding dumako ang tingin sa kinauupuan ng nabanggit na Manager. Nasa pinakadulong upuan ito, sa puwestong pinakamalayo sa CEO. Nabitiwan ng Manager ang hawak nitong ballpen nang marining ang idineklara niya. Tapos ay lumuwa ang mga mata nito sa labis na pagkagimbal. “Hindi mo puwedeng gawin sa akin ’to! Matagal na ako rito sa kompanya. Bago ka pa umupong CEO ng Altieri Construction ay nandito na ako! Nauna ako sa iyo, kaya hindi mo ako puwedeng basta na lamang sesantehin!” hiyaw nito, namumula ang buong mukha. Lumipad sa lalaki ang magkahalong

