“May update po ako kay Ms. Ahtisa Sinagtala,” wika nito. Huminto ang kamay niyang nakahawak sa mouse, kaya huminto rin sa paggalaw ang cursor sa screen ng laptop. Tuwing naririnig niya ang pangalan ni Ahtisa ay may kakaibang pitik siyang nararamdaman sa kaloob-looban ng kanyang dibdib. Bumibilis ang pintig ng puso niya. His pulse quickened, too, though he remained still, his expression unreadable. "Go ahead," he replied, his voice betraying no emotion. Kahit na ang totoo ay sobrang nangungulila na siya sa dalaga. He missed her so much. “Determinado si Ms. Sinagtala na ituloy ang pag-aaral niya. Ilang araw na lang ay pormal nang magsisimula ang klase sa Santa Barbara College,” imporma sa kanya ng kausap. Napatango siya. Saglit na naglayag ang diwa niya—noong araw na personal niyang punt

