“M-makikipag-kamay lang sana ako,” anang babae. “Let’s skip the handshake. Please, sit down,” Apollo said, his voice calm but authoritative. Katulad ng ibang babae kung itrato niya si Josefa, dahil hindi nga niya gusto ang pakiramdam na may napapadikit sa kanya. Walang nagawa si Josefa kundi ang maupo ulit. Nang dumako rito ang mga mata niya ay halatang nahihirapan itong salubungin ang pormal niyang tingin. “Ms. Manlapig, I just want to remind you of what we agreed upon: Nobody—nobody—can know that I am the new owner and president of Santa Barbara College,” seryoso niyang paalala rito. “You may continue to introduce yourself as the owner, I don’t mind. Mas pabor nga iyon sa akin dahil gusto kong mapanatiling lihim ang lahat. walang dapat na may makaalam. At hindi puwedeng kumalat ang k

