Sa loob ay biglang tumigil sa pag-uusap ang iilang estudyante at napatingin sa dako niya. Nailang siya at saglit na napako ang mga paa niya sa sahig. Hindi niya malaman kung paano siya gagalaw. Pero tumingin lang pala saglit ang mga ito sa kanya, at hindi na siya pinansin. Bumalik na ang mga ito sa pakikipag-usap sa mga kagrupo ng mga ito. Dumerecho siya sa bakanteng upuan. Sa pinakahuling hilera. Iyon na lang ang bakante. Nabawasan na ang kaba niya nang nakaupo na siya. Hindi siya makapaniwalang tuloy na tuloy na ang naudlot niyang pag-aaral noon. Ang pamilyar na amoy ng mga libro, chalk, at whiteboard marker pen, pati na ang banayad na ugong mula sa electric fan, ay nagbabalik sa mga luma niyang alaala. Ang kinuha niyang kurso ay Bachelor of Science in Agriculture. Noon kasing nagtatr

