“Get me a new house. It’s for Elara Novaro,” utos ni Apollo sa property manager, kausap niya ito sa telepono. He didn’t have to hold the phone though, as it was connected to the car’s audio system. Nagmamaneho kasi siya. Kasalukuyan niyang binabagtas ang kahabaan ng kalsada patungo sa malaking bahay ng mga magulang niya. “Sir, iyong villa po kaya? Ayaw n’yong ibigay na lang kay Ms. Novaro?” suhestiyon nito. “Do you think Elara and Ahtisa are the same person? Magkaiba sila. At ang villa ay para lang kay Ahtisa,” maigting niyang sabi. “Pero tinanggihan ho ni Ms. Sinagtala ang villa. Tinawagan ko siya para sana mapapirmahan ang mga dokumento upang legal nang mailipat sa pangalan niya ang property. Ang sabi niya lang sa akin ay ibalik ko raw sa iyo, at hindi niya raw kailangan ng kahit na a

