“Andresito! Sino iyan?” Narinig ni Ahtisa na tanong ng isang lalaking katulad din ni Andresito. Parehong tila na-impeksiyon ang utak. Nagulat pa siya nang bigla na lang sumampay sa balikat niya ang isang braso ng lalaki, sabay kabig sa kanya padikit sa katawan nito. Todo pa ang ngisi nito na tila nagmamalaki sa kaibigan. “Girlfriend ko!” pagbibida nito. Nagdilim ang paningin ni Ahtisa. Hinablot niya ang kamay ng lalaki at pinilipit, tapos ay ubod ng lakas niyang tinapakan ang paa nito. Napahiyaw ito sa sakit, at napamura nang malutong. Namilog naman ang mga mata ng kaibigan nito. Tinalikuran na niya si Andresito at mabilis ang mga hakbang na tinahak na niya ang covered pathway palabas ng gate. Unang araw niya palang sa Santa Barbara College ay may ganoong eksena na. Iwas na iwas pa n

