CHAPTER 71-3

722 Words

"Promise?" "Oo nga, promise! Wala naman na akong tinatago sa iyo." Alam na nito ang tungkol kay Apollo. "Tara na.” Napabuga ng hangin si Trinidad. Muli nitong binuhay ang makina ng kotse, at ibinalik sa tamang lane ng kalsada ang sasakyan. “Basta, huwag na huwag kang papaapi ha.” “Ako pa ba ang magpapaapi? Hindi ako nagpapadehado, alam mo iyan.” Biglang sumugaw sa gunita niya ang mukha ni Apollo, sadyang ipinapakita sa kanya ng utak. Tila nang-uuyam. Ipinapaalala sa kanya kung paano siya noon nagpaapi at nagpadehado kay Apollo Altieri. Pero iba naman kasi iyon. Aminado naman talaga siyang nagpakatanga siya kay Apollo. “Maiba ako. Kumusta ang meeting n’yo ng ka-‘once a week’ mo?” tanong niya sa kaibigan. “Masarap pa rin,” walang prenong sabi nito. Humagalpak ng tawa si Ahtisa. “Walan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD