Pero wala na siyang magagawa sa mga bagay na nangyari na. Ang mahalaga ay ang puwede at handa niyang gawin ngayon. Masaya na siya na masaya si Ahtisa sa pagdadalang-tao nito. At first, he was really worried that it might be a burden to her. He knew Ahtisa would never hate the baby. Pero inisip niya na baka hindi maging madali rito ang tanggapin ang sitwasyon nito, at isipin nitong baka maging balakid ang bata sa pag-abot nito sa mga plano nito sa buhay. Pero ngayong nakumpirma na niyang masaya si Ahtisa sa pagbubuntis nito ay masaya na rin siya. Nakahinga na rin siya nang maluwag kahit papaano. He dialed the doctor’s number. “Doctor Domingo,” sambit niya sa pangalan nito nang sagutin nito ang tawag. “Mr. Altieri, wala kayong dapat na ipag-alala. Ako na ang nagsasabi na malusog ang

