Sumigaw si Ahtisa nang pangkuhin siya ni Apollo at walang kahirap-hirap itong naglakad patungo sa nakaparada nitong itim na Maybach. Nagpumiglas siya. Nagpapasag. Ibinubuhos niya ang buong lakas para lang makapalag siya at makawala sa mga kamay ng binatang tila bakal sa tibay at higpit kung makahawak sa kanya. Pakiwari niya ay hindi mga kamay ang nakapulupot sa katawan niya ngayon, kundi bakal na kadena. Kahit anong pagtili, pagsipa, at pagwawala ang gawin niya ay balewala iyon kay Apollo. Dinaig pa nito ang pader na hindi matibag. At nadala pa rin siya nito sa sasakyan nito. Idineposito siya sa backseat. Hindi na ito umikot sa kabilang pinto, at ang pintong binuksan nito para maipasok siya ay siya ring ginamit nito upang lumulan sa loob ng sasakyan. Natatakot ba ito na kapag umikot pa

