“Ano’ng plano mong gawin sa akin ngayon? Ikukulong mo ako?” Kapag ginawa iyon ni Apollo ay maniniwala na talaga siyang tuluyan na itong nasiraan ng ulo. Nasa backseat na ulit sila ng sasakyan at sinisikap niyang huwag mapadikit dito. Mabuti na lang at hindi naman din ito nagpupumilit na umisod palapit sa kanya. Maayos lang itong nakaupo sa espasyo nito. Tuwid na tuwid ang likod ng binata, at pati na ang ekspresyon ng mukha nito. Ang kaso ay wala na ulit siyang masilip sa mga mata nitong nasa likod ng suot na salamin. “Is that what you want? Because I could make it happen,” kalmado nitong sabi. His voice was calculating, each word meticulously measured as if it had to fit within an exact span of time. “Kapag ginawa mo iyon, isusumpa na talaga kita nang tuluyan!” asik niya rito. Alam n

