Pumailanlang sa kabuaan ng grand function hall ng hotel ang mabining musika ng string quartet. Libu-libong kristal ang nagniningning mula sa mga aranyang nakalawit sa kisame, na nagsasabog ng prismatic na repleksiyon ng ilaw sa makintab na marmol na sahig. May naka-arrange na white lilies at orchids sa bawat mesa, at ang halimuyak ng mga iyon ay humahalo sa mabangong aroma ng champagne. Puti ang cover ng mga round tables at upuan. Maaliwalas sa mata ang kabuuang pagkakaayos sa venue, at idagdag pang magaan sa tainga ang musikang nanggagaling sa cello, viola, at violin. Pumasok si Apollo sa entrada ng function hall. Matikas ang postura niya. He moved with the kind of grace that turned heads, his presence commanding. He was clad in a bespoke midnight-black suit, its sharp lines and subtle

