Tumango si Apollo. “Salamat, Dad.” Tumunog ang cellphone niya. Tinignan niya kung kanino galing iyon. Mula sa protection agent na nagbabantay kay Ahtisa. “We’re done here. You can go,” sabi sa kanya ng ama. Magalang siyang nagpaalam sa ama at lumabas na ng silid. Dumerecho siya sa pribado niyang kuwarto at doon binuksan ang mensaheng galing sa tauhan niya. At hindi niya nagustuhan ang nilalaman ng mensahe. A document and a video file. On her first day of school, his woman was harassed by some spoiled rich kid. Pumulso ang ugat sa panga niya nang makita kung paano marahas at biglang inakbayan si Ahtisa ng isang estudyanteng lalaki. Umigting ang mga ugat sa likod ng kamay niya nang mariin niyang ikuyom ang kamao, nagdidilim ang paningin ni Apollo. Gustung-gusto niyang pilasin ang balat s

