CHAPTER 73-3

713 Words

“Good morning, Ahtisa!” masigla nitong bati sa kanya, sinundan pa iyon ng nang-iinis na tawa, tapos ay kumaway ito sa kanya. “Ano pa ang ginagawa mo riyan sa labas? Pumasok ka na rito sa loob,” anito, kahit alam naman nitong hindi niya magagawa iyon dahil sarado ang pinto. “Buksan mo ’tong pinto!” matigas niyang sabi rito. “Bakit, hindi mo ba mabuksan? May kamay ka naman, ah. Gamitin mo ang kamay mo na pinampilipit mo sa akin kahapon. Kapag nabuksan mo iyan, papatawarin na kita sa ginawa mo sa akin,” wika nito, matalim ang kislap sa mga mata, puno ng pagkasuya, pero puno ng kahambugan. Napahugot siya ng malalim na paghinga. Siya pa talaga ang papatawarin nito, eh ito ang may kasalanan sa kanya! “Ikaw ang may kasalanan sa akin, huwag kang b*bo!” maigting niyang sabi rito. Dahil sa si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD