Namilog ang mga mata ng lalaki, nanginig ang ibabang labi nito. Nagsimula nang humakbang paatras ang mga kagrupo nito hanggang sa tuluyan nang nagpulasan. “Luhod!” hiyaw ni Trinidad kay Andresito. Lumuhod agad ito. “Mag-sorry ka kay Ahtisa!” utos nito sa lalaki. “Bakit ako magso—” Binantaan ito ni Trinidad na babaliing lalo ang kamay. Nagtagis ang mga bagang nito, pero wala itong magawa. “Sorry!” “Ayusin mo! May problema ba iyang dila mo? Hindi ganiyan mag-sorry.” Nanginig ang lalaki sa pinaghalong galit at takot. “I’m… sorry.” “I’m sorry ano? May pangalan itong kaibigan ko!” “I’m sorry, Ahtisa.” “Good boy.” Ginulo pa nito ang buhok ng lalaki. “Sa susunod na tawagin mong wh*re at sl*t ang kaibigan ko, gugupitin ko iyang dila mo. Naiintindihan mo?” Hindi ito sumagot. “Sumago

