Bago pa maging buo at malawak ang ngiting iyon ay mabilis nang binawi ni Apollo ang tingin. Nangangamba marahil ito na baka magalit siya kapag may nakapansin sa ginagawa nito, at kung saan o kanino ito nakatitig. Ibinalik nito ang tingin sa audience, at itinulak nito sa likod ng mga mata ang kislap na namuo kanina roon nang nakatingin ito sa kanya. Blangko na ulit ang anyo ng mukha nito ngayon. Kahit itanggi ni Ahtisa, alam niyang kinilig siya. Dahil sa kanya lang nag-iiba ang ekspresyon ng binata. Akala talaga niya noon, kapag nalaman ni Apollo na buntis siya ay pipilitin siya nitong sumama rito pabalik ng Santa Catalina, pero hindi iyon ang nangyari. She had broken her wings when she was with him before, and she thought he would clip them the moment he caught her. But no—he didn’t.

