CHAPTER 76-4

892 Words

“Nakalimutan mo kasing nagtrabaho rin ako bilang Personal Assistant ni Apollo. Kaya madalas ko ring nakikita ang mga tauhan niya. Alam na alam ko kung paano kumilos ang mga iyon, pansin na pansin ko kung paano nila ipuwesto ang mga sarili nila para mas malawak ang nahahagip ng mga mata nila at makita nila agad sakaling may paparating na peligro o kahina-hinalang tao.” Muli ay pumalatak ito. “Nakalimutan din kasi ni Apollo na banggitin sa akin na mapagmasid at mapunahin ka pala. Di sana nakapag-ingat ako. Malay ko naman kasing pinag-aaralan mo pala ang mga kilos ko.” Ibinaba ni Trinidad ang suot nitong salamin sa mata at inilawit iyon sa neckline ng T-shirt nito. “Pero… hindi ka naman siguro galit sa akin, ’no?” Pinigil niyang sumungaw ang ngiting nag-aambang sumilip sa mga labi niya. Kun

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD