Bakit nagsusungit sa kanya si Ahtisa? Dahil ba buntis ito? Pero kahit magsungit ito ay okay lang, ang mahalaga ay kinakausap siya nito. Kanina ay sapat na sa kanyang pakinggan nang paulit-ulit sa recording ang boses nito, ngayon ay nasa harapan na talaga niya ito. Tapos ay biglang natahimik si Ahtisa. Nagtaka siya. Nakatingin pala ito sa leeg niya. Wala sa loob na nakapa niya tuloy ang suot niyang kuwintas. Yumuko ito at hinawakan ang palawit ng kuwintas. Dahil sa ginawa nitong pagyuko ay lumapit ang mukha nito sa mukha niya. Sobrang lapit na nahigit niya ang paghinga at kumuyom nang mariin ang mga kamay niya sa braso ng couch. God, he missed her so much. Ang gusto niyang gawin ay hilahin ito, kabigin palapit, ipulupot ang kamay sa baywang nito, at halikan ito nang mariin. But, woul

