CHAPTER 78-4

749 Words

Na-distract si Trinidad, inuna siya nito. Pinatamaan nito ng lumilipad na sipa sa ulo ang lalaking nakapaikot ang bisig sa leeg niya. Tapos ay binalikan nito ang lalaking pasugod dito kanina, ang problema ay napaigik siya. Narinig iyon ng kaibigan at nanlaki ang mga mata nito, lalo na nang makita nitong napasapo siya sa kanyang tiyan. May gumuhit kasing bahagyang kirot sa puson niya. Hindi niya malaman kung dahil sa tensiyon o dahil sa labis na pagkabahala. Nag-aalala siya para kay Trinidad. “Ahtisa!” hiyaw nito. Nilapitan siya nito, at ang pagkawala niya sa focus ay ginamit na oportunidad ng isang lalaki para magawa nitong ihampas sa ulo ni Trinidad ang baseball bat. Pero nagkakamali ito kung inaakala nitong hindi iyon masasalo ng kamay ng babae. Nagdidilim ang mukha na kumuyom ang ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD