Na-miss din kaya siya ni Ahtisa? O baka dahil buntis ito kaya naging ganoon ang pagtugon sa kanya? May nabasa kasi siya sa isang libro na ang pagbubuntis daw, hindi naman sa lahat, pero para sa ibang babae ay nagtataas ng libido dahil sa hormonal changes. Ganoon din ba ang sa kaso ni Ahtisa? Tapos ay naalala niya ang sinagot sa kanya ni Ahtisa kanina, ‘Maybe.’ Muli ay nag-init ang mukha ng binata. “Maybe? If he prepared a whole buffet for her, maybe he would be rewarded with more than just a kiss? Hah…” Hindi ba nagbibiro lang si Ahtisa? Baka tinutukso lang siya nito? _____ MAGKAAGAPAY na naglalakad sa covered pathway sina Ahtisa at Trinidad hanggang sa marating nila ang gate. Sa labas ay nakaparada ang kotse ni Trinidad. Lumulan na sila sa loob niyon at kanya-kanyang kabit ng sea

