Natigilan siya. Lumaktaw ng t*bok ang puso niya. Palaging sobrang tiim kung tumitig sa kanya si Apollo. Gusto siyang lusawin ng mga titig nitong iyon sa kanya. “Bakit gising ka pa?” tanong nito sa kanya. “The doctor told me you have to rest and sleep early. And it’s already past nine. Dapat ay tulog ka na.” “Hindi ako makatulog,” pag-amin niya. “Pero hindi ako nagpunta rito para mangalabit,” dugtong agad niya. Mahirap na at baka isipin nitong siya na naman ang gumagawa ng paraan para may mangyari sa kanilang dalawa. Natawa si Apollo. Umangat ang kamay nito at hinaplos ang pisngi niya, bagay na nagpakislot sa kanya. Lumapit ang mukha nito sa mukha niya. Inisip niyang hahalikan siya ni Apollo kaya mariin niyang ipinikit ang mga mata, pero ang mainit na hininga lang nito ang pumaypay sa

