Matikas itong nakatayo ilang hakbang lang ang layo mula sa pintuan ng silid. Nakatingin ito sa kanya, may napapantastikuhang ngiti sa mga labi, at kahit ang mga mata nito ay nagkukumislap din sa pagkagiliw. Ang mga kamay nito ay kaswal nitong pinagkrus sa tapat ng dibdib. “Don’t worry, you can make a sound. Kanina pa ako gising,” anito. His eyes, twinkling with amusement, never left her face. Nalilitong napatingin siya sa relo niya, para tiyaking alas seis palang talaga ng umaga. Paanong gising na agad ito? Noong nakaraan ay alas diyes na raw ito naggising, bakit ngayon ay ang aga naman yata?” Then she noticed how ruffled his hair was. At kung titignang mabuti ang mga mata nito ay makikitang sa likod ng magiliw na kislap ay nagtatago ang pagod. Dumako ang tingin niya sa center table.

