CHAPTER 30-2

714 Words

Tumindig siya at binuksan ang aparador kung saan nakatago ang kahon ng traje de bodang isusuot niya sa kasal nila ni Apollo. Nang buksan niya ang kahon ay muli na namang naglandas ang masaganang luha sa mga pisngi niya. Isinuot niya ang traje de boda at pinagmasdan ang kanyang sarili sa salamin. Walang kislap ng saya ang nakasungaw sa mga mata niya. Wala ni katiting. Ang nandodoon ay ang tila walang katapusang lambong at pagkalumbay. Mapait siyang ngumiti. Kung sasaktan siya ni Apollo ay hahayaan niya itong saktan na siya nang todo ngayon. Nag-text siya kay Mang Savio at nagpasundo. Panay ang lingap nito sa kanya habang nakaupo siya sa sidecar ng traysikel. “Neng, ikakasal ka ba ngayon?” “Hindi ko po alam, Mang Savio,” sagot niya matapos dumaan ang ilang sandaling katahimikan. Nag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD