Hindi na siya nagulat. Hindi rin nagbago ang anyo ng mukha niya. Kinansela ni Apollo ang kasal nila nang hindi man lang nagsasabi sa kanya. Pinagmukha siya nitong tanga. Dahil siguro ganoon naman talaga ang tingin nito sa kanya—tanga. Babaeng nagpapakatanga para rito. Babaeng naghihintay na maambunan ng atensiyon nito. Hah… Hindi man lang ito tumawag para sabihing wala nang kasalang magaganap. Napahugot siya ng malalim na paghinga, para pagluwagin nang kaunti ang nagsisikip niyang dibdib. “Ma’am, okay lang ho ba kayo?” nag-aalalang tanong sa kanya ng lalaki. Ngumiti siya. Ngiting hindi umabot sa mga mata niya. “Okay lang ako,” sagot niya. Okay lang siya kahit may lagnat siya, kahit masama ang pakiramdam niya, kahit halos matumba siya sa pangangatog ng kanyang mga binti—okay pa rin si

