Tumango ang doktor. “Hindi mo ba alam? Wala bang may nagsabi sa iyo?” Paggising niya ay si Ramona lang ang nagbabantay sa kanya sa kuwarto, at makailang ulit nitong sinabing walang oras si Apollo para bisitahin o puntahan siya sa ospital na iyon. Ang sabi ni Ramona ay ito ang umasikaso sa lahat, at hindi si Apollo. Sa loob-loob ay napapailing siya dahil parang nahuhulaan na niya kung ano talaga ang nangyari: dinala siya roon ni Apollo, pero ayaw nitong malaman niya ang tungkol doon at in-utos nito kay Ramona na sabihing ang EA ang nag-asikaso sa kanya. Natatakot ba ito na baka isipin niyang nagiging mahalaga na siya rito? Di bale na, hindi naman na mahalaga iyon sa kanya. Tapos na siya sa yugtong iyon ng buhay niya. “The great CEO of Altieri Construction really hates me, you know,” sabi

