Tumayo siya at muling isinuot ang salamin sa mata. Tapos ay lumabas siya ng pinaka-opisina niya. Napatingala sa kanya si Ramona na nakaupo sa workstation nito. “Cancel all my meetings today,” utos niya kay Ramona. “Sige po, Sir.” Kinuha nito ang pen at isinulat sa note pad nito ang tungkol sa utos niyang kanselahin ang lahat ng meeting para sa araw na iyon. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. “And my meetings tomorrow, and the day after. No, cancel all of them. Do not reschedule until I give further instructions.” Hindi nakaimik ang Executive Assistant. Nasuspende ang paggalaw ng kamay nito, at hindi nito magawang ituloy ang pagsusulat sa note pad nito. “Lahat ho ba kanselado?” Naiintindihan niya kung bakit ganoon ang reaksiyon nito—dahil dati ay ayaw na ayaw niyang nauudlot ang mga naka-

