CHAPTER 45-3

985 Words

Huminga siya nang malalim at lumabas na ng kusina. Sunod niyang pinuntahan ang kuwarto ni Ahtisa. Binuksan niya ang aparador nito. Maayos na naka-hanger ang mga mamahaling damit na binili niya para rito. Hindi talaga ito nagdala kahit isa man lang sa mga iyon. She didn’t want any of them. Kahit tila may kumukuyom sa dibdib niya ay pinilit niya pa ring kunin ang isa sa mga nakahilerang damit at dinala niya iyon sa tapat ng ilong niya. Mapait siyang napangiti nang hindi niya maamoy ang mabango at pamilyar na halimuon ni Ahtisa sa tela niyon. The dress didn't smell like her. It smelled like detergent and fabric softener. But he wanted Ahtisa’s scent. He craved her scent. Napadausdos siya ng upo sa malamig na sahig, habang nakatingin pa rin sa mga nakasabit na damit sa loob ng aparador.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD