Totoong hindi siya madalas malasing, at mabibilang palang sa mga daliri niya sa kamay ang mga pagkakataong nalasing siya. His image was always uptight and meticulously put together, exuding an air of unwavering control. Kaya hindi niya masisisi si Ares kung bakit namangha ito sa nakitang sitwasyon niya kagabi, at kung bakit kinukulit siya nito sa dahilan ng pinagkaganoon niya. Iniisip siguro ni Ares na, ‘Whatever happened to my brother must have hit him hard to leave him in such a mess.’ “Ano? Itutuluy-tuloy ko lang ba ang pag-play dito sa recording?” Nakaplaster ang mapang-inis na ekspresyon sa mukha nito, habang iwinawagayway sa ere ang hawak na cellphone. Blangko lang ang mga mata niya nang patuloy niyang titigan ang kapatid. “I didn't tell you when I was drunk, and I sure as hell w

