“Can you really not tell me now?” tanong nito. “I’ll keep it a secret, I promise. Ipapaputol ko ang dila ko kapag ikinuwento ko kay Artemis ang tungkol sa sekreto mo.” Napabuga lang ng hangin si Apollo. Wala siyang tiwala sa pangako ‘kuno’ ni Ares. Kilala niya rin si Artemis, magaling mang-manipula at mang-udyok ng tao ang kapatid nilang iyon. Kapag napansin nitong tila may tinatago si Ares ay hindi nito titigilan ang huli hanggang hindi ikinukumpisal ang sekretong alam nito. And Ares wouldn’t even resist that much just to protect his secret. So, no, thank you. Wala siyang planong sabihin dito ang tinatago niya. “Apollo!” untag sa kanya ni Ares. “My ears are ready to burst because of you, Ares. Hindi mo ba kayang tumahimik kahit hanggang ospital lang?” yamot niyang tanong dito. Nagsalu

