“Hindi iyan ang ibig kong sabihin, Apollo!” asik niya rito. “Then what?” Bumaba sa mga labi niya ang mainit nitong tingin, hinaplos ng daliri nito ang ibabang labi niya hanggang gilid. “Ahtisa, how would you look if I tied my tie around your mouth, hmm?” “Ano’ng mga pinagsasabi mo riyan?” Kinakabahan siya kay Apollo, dahil sa tono ng boses nito ngayon, parang sinasabi nitong hindi malabong gawin nga nito sa kanya ang mga sinasabi nito. Pilit niyang pinalis ang kamay nitong nasa mga labi niya. “D*mn, I want to kiss you. Right now,” hayag nito. “Huwag na huwag mo akong hahalikan!” Natataranta siyang lumingap sa labas ng bintana. Hindi niya alam kung saan na sila nakarating, kung saan na siya dinala ng binata. Ang alam lang niya ay kanina pa sila nakaupo sa backseat ng tumatakbo nitong

